Ang Banal na Misa (Tagalog Missal)

I. Pambungad na Rito (Introductory Rites)

  • Pandaigdigang Tanda ng Krus (Sign of the Cross):
    • Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
    • Bayan: Amen. 
  • Pagbati (Greeting):
    • Pari: Sumainyo ang Panginoon.
    • Bayan: At sumainyo rin. 
  • Pagsisisi sa Kasalanan (Penitential Act – Confiteor):
    • Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko kay Santa Mariang Birhen, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
  • Kyrie:
    • Pari/Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami. Kristo, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. 
  • Papuri sa Diyos (Gloria):
    • Bayan: Papuri sa Diyos sa kaitaasan
      At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban.
      Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
      Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin
      Pinasasalamatan Ka namin sa ‘Yong dakilang angking kapurihan.
      Panginoong Diyos, Hari ng langit,
      Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na nakaluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin.

Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataas-taasan,
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon,
Kasama ng Espiritu Santo, sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.



II. Liturhiya ng Salita ng Diyos (Liturgy of the Word)

  • Pagkatapos ng Unang/Ikalawang Pagbasa (After the Readings):
    • Tagabasa: Ang Salita ng Diyos.
    • Bayan: Salamat sa Diyos.
  • Mabuting Balita (The Gospel):
    • Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay…
    • Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.
    • (Pagkatapos ng Ebanghelyo) Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    • Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
  • Sumasampalataya (Nicene/Apostles’ Creed):
    • Bayan: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Sa ikatlong araw nabuhay na mag-uli na magmula sa mga patay. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.  Amen.


III. Liturhiya ng Eukaristiya (Liturgy of the Eucharist)

  • Paghahandog (Presentation of the Gifts):
    • Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
    • Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.
  • Prefacio (Preface Dialogue):
    • Pari: Sumainyo ang Panginoon. | Bayan: At sumainyo rin.
    • Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. | Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
    • Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. | Bayan: Marapat at matuwid.

  • Santo (Sanctus):
    • Bayan: Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!
  • Anamnesis (Memorial Acclamation):
    • Bayan: Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.

IV. Rito ng Komunyon (Communion Rite)

  • Ama Namin (The Lord’s Prayer):
    • Bayan: Ama namin, sumasalangit Ka,
      Sambahin ang ngalan Mo.
      Mapasaamin ang kaharian Mo,
      Sundin ang loob Mo
      Dito sa lupa, para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin;
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

  • Doxology:
    • Bayan: Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kapurihan magpakailanman. Amen.
  • Kordero ng Diyos (Agnus Dei):
    • Bayan: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin (2x). …ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

V. Rito ng Paghayo (Concluding Rite)

  • Pagbabasbas (Blessing):
    • Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
    • Bayan: Amen.
  • Paghayo (Dismissal):
    • Pari: Humayo kayong mapayapa, tapos na ang Misa. (or Humayo kayo sa kapayapaan upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.)
    • Bayan: Salamat sa Diyos.   

Upcoming Events

Oct
16
Fri
7:00 am Eucharistic Adoration/Adoración ... @ St. Leander Church
Eucharistic Adoration/Adoración ... @ St. Leander Church
Oct 16 @ 7:00 am – 9:00 am
Eucharistic Adoration/Adoración Eucarística @ St. Leander Church
✨ Eucharistic Adoration ✨Every Friday after the 7:00 AM Mass📍 St. Leander Church Come and spend quiet time with Jesus in the Blessed Sacrament. 🙏✨ In the stillness of Adoration,...
7:30 am Adoration of the Blessed Sacrament
Adoration of the Blessed Sacrament
Oct 16 @ 7:30 am – 8:30 am
The Adoration of the Blessed Sacrament will resume on Friday, December 3 after the 7am mass. La Adoración del Santísimo Sacramento se reanudará el viernes 3 de diciembre después de...
Oct
17
Sat
3:00 pm Sacrament of Confession! @ St. Leander Church
Sacrament of Confession! @ St. Leander Church
Oct 17 @ 3:00 pm – 4:00 pm
Join us every Saturday for the Sacrament of Confession! ⏰ Time: 3:00 PM – 4:00 PM 📍 Location: St. Leander Church Take this opportunity to experience God’s mercy and forgiveness...
Oct
23
Fri
7:00 am Eucharistic Adoration/Adoración ... @ St. Leander Church
Eucharistic Adoration/Adoración ... @ St. Leander Church
Oct 23 @ 7:00 am – 9:00 am
Eucharistic Adoration/Adoración Eucarística @ St. Leander Church
✨ Eucharistic Adoration ✨Every Friday after the 7:00 AM Mass📍 St. Leander Church Come and spend quiet time with Jesus in the Blessed Sacrament. 🙏✨ In the stillness of Adoration,...
7:30 am Adoration of the Blessed Sacrament
Adoration of the Blessed Sacrament
Oct 23 @ 7:30 am – 8:30 am
The Adoration of the Blessed Sacrament will resume on Friday, December 3 after the 7am mass. La Adoración del Santísimo Sacramento se reanudará el viernes 3 de diciembre después de...